Ang iniwan ng nagngangatngat na balang, ay kinain ng kuyog na balang. Ang iniwan ng kuyog na balang ay kinain ng gumagapang na balang; at ang iniwan ng gumagapang na balang ay kinain ng maninirang balang.
Sunud-sunod na sumalakay ang mga pulutong ng balang. Ang mga naiwan na tanim na hindi naubos ng unang pulutong ay kinain ng sumunod na pulutong hanggang sa naubos ang mga tanim.