Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon, Sa mga tao ng sanglibutan, na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito, At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan: Kanilang binubusog ang kanilang mga anak, At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
mula sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, O Panginoon ko, mula sa mga tao na ang bahagi sa buhay ay sa sanlibutang ito. At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan, sila'y nasisiyahan na kasama ng mga anak, at iniiwan nila ang kanilang kayamanan sa kanilang mga sanggol.
Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon, sa mga tao ng sanglibutan, na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito, at ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan: kanilang binubusog ang kanilang mga anak, at iniiwan nila ang natira sa kanilang pag-aari sa kanilang sanggol.
Iligtas nʼyo ako sa mga makamundong tao na ang gusto lamang ay ang mga bagay ng sanlibutan. Kaming mga minamahal nʼyo ay biyayaan nʼyo ng kasaganaan, pati ang aming mga anak, hanggang sa aming kaapu-apuhan.
Sa lakas ng iyong bisig ako'y iyong isanggalang, sa ganitong mga taong sagana ang pamumuhay. Ibagsak mo sa kanila ang parusang iyong laan, pati mga anak nila ay labis mong pahirapan at kanilang salinlahi sa galit mo ay idamay!
Sa lakas ng iyong bisig ako'y iyong isanggalang, sa ganitong mga taong sagana ang pamumuhay. Ibagsak mo sa kanila ang parusang iyong laan, pati mga anak nila ay labis mong pahirapan at kanilang salinlahi sa galit mo ay idamay!