Pahayag 5:13
Print
At narinig ko ang bawat nilalang sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat, at maging ang lahat ng bagay na nasa mga ito, na nagsasabi, “Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero ay kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan magpakailanpaman!”
At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.
At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito ay narinig kong nagsasabi, “Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan, magpakailanpaman.
At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.
Narinig ko ang tinig ng lahat ng nilalang na naroon sa langit, at sa lupa, at ilalim ng lupa, at silang nasa karagatan at ang lahat ng bagay na nasa kanila, nagsasabi: Sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero, pagpapala at karangalan at kaluwalhatian at kapangyarihan magpa­kailan pa man.
At narinig ko ang lahat ng nilalang sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa, at sa dagat na umaawit: “Ibigay sa nakaupo sa trono at sa Tupa ang kapurihan, kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan magpakailanman!”
At narinig kong umaawit ang bawat nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa at nasa dagat, lahat ng mga naroroon, “Sa nakaupo sa trono, at sa Kordero, ang papuri at karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, magpakailanman!”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV) by ; Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) by ; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) by ; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) by ; Ang Salita ng Diyos (SND) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Bibles International; Ang Salita ng Diyos (ASND) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) by ; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by